ARTISTS: 0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
TITLE: 0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Walang Natira - Gloc 9 feat. Sheng Belmonte

[postlink]http://opmtube.blogspot.com/2011/02/walang-natira-gloc-9-feat-sheng.html[/postlink]http://www.youtube.com/watch?v=99ZyWO0Gsf0endofvid [starttext] Watch this Video with Lyrics


"Walang Natira" Lyrics
by: Gloc 9 feat. Sheng Belmonte

I

Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?

Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Rap:

Lupang Sinilangan ang pangalan ay Pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauungusan ang batas, parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas, mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang
Pero tayo ang utas
Mga kabayan natin na lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa
At doon magtanas ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahinga’y iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di na kilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito’y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip-isip ka na

II.

Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?

Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Rap:

Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan ng kapalaran ng lahat ng nakipag-sapalaran
Kahit nagaalangan para lang sa kapakanan ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Isasanla ang lahat ng kanilang mga pagaari
“Mababawi rin naman” yan ang sabi pagnayari ang proseso ng papeles
Para makasakay lang
Sa eroplano o barko, kahit san man papunta
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino?
Lilinasin ang pamilya
Ang amo kahit na sino
Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro
Uuwi nasa kahon, ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na ito’y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip-isip ka na

III.

Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?

Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Gusto ko yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
(Nag-aabroad sila)

Rap:

Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat na maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo
Matutubos din ang relo
Bilin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
Matagal pa kontrata ko, titiisin ko muna ‘to
Basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

(Repeat I)

Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira? [endtext]

No comments:

Post a Comment


Related Posts with Thumbnails
 
Katy Perry
Replay Album
Fantasy Album
Bruno Mars
Black Eyed Peas
Rihanna
Toni Gonzaga
Yeng Constantino
Cueshe
Jed Madela
Taylor Swift
Piolo Pascual